dzme1530.ph

Pag-apruba sa 2026 national budget, on target pa rin

Loading

Tiniyak nina Senators Sherwin Gatchalian at “Migz” Zubiri na “on target” pa rin sila sa pagtalakay at pag-apruba sa 2026 national budget.

Ito ay matapos maudlot kagabi ang inaasahang approval sa second reading ng panukalang budget.

Sinabi ni Gatchalian na aabot pa rin ngayong araw ang pag-apruba sa budget sa second reading, at pagkalipas ng tatlong araw, o sa susunod na Martes, ay saka nila ito pagbobotohan para maipasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Idinagdag naman ni Zubiri na sa kanilang orihinal na schedule, sa Martes pa nila ito mapagtitibay dahil Lunes ay holiday, kaya on-target pa rin sila sa approval ng national budget.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na may items pa silang kailangang isaayos at may mga amendment at suggestions pang nais ihabol ng ilang senador, kaya’t hindi muna naaprubahan sa second reading ang panukalang budget kagabi.

About The Author