IGINIIT ni Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva na magiging magandang regalo para sa mga manggagawa sa Labor Day kung tuluyan nang maisasabatas ang Minimum Wage Increase Bill.
Ayon kay Villanueva, aprub na sa Senado noon pang March 2024 ang panukalang wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor
Umaasa ang senador na aaprubahan na rin ito ng Kamara sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo upang malagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr bago matapos ang 19th Congress.
Iginiit pa ni Villanueva sa harap ng tumataas na presyo ng mga bilihin, mahalaga at napapanahon ang minimum wage increase upang mabigyan ng kaunting ginhawa ang mga manggagawa.
Nangako naman ang mambabatas na patuloy nyang isusulong ang “living wage” bilang pamantayan sa pagtatakda ng sahod na kayang tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya