Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-a-angkat ng 4,000 metriko tonelada ng sibuyas.
Ipinaliwanag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang kanilang hakbang ay upang maiwasang maulit ang krisis noong 2022, kung kailan pumalo sa record high na ₱720 ang kada kilo ng sibuyas dahil sa kakapusan ng supply.
Idinagdag ni Tiu Laurel na nasa 3,000 metric tons ng red onions at 1,000 metric tons ng white onions ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na dalawang linggo, habang hinihintay ang mga bagong ani na lokal na sibuyas.
Ayon sa Bureau of Plant Industry, as of mid-January, ang stock inventory sa pulang sibuyas ay nasa 8,500 metric tons, na inaasahang tatagal hanggang pebrero lamang, habang ang puting sibuyas ay nasa 1,628 metric tons.
Pagdating naman sa demand, kumukonsumo ang bansa ng 17,000 metric tons ng red onions at 4,000 metric tons ng white onions kada buwan.