dzme1530.ph

Pag-angkat ng 25,000MT na isda ng bansa, tinutulan

Hindi pabor ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa pagpapahintulot ng Dep’t of Agriculture sa pag-angkat ng 25,000 metrikong tonelada ng isda ngayong taon.

Ani ni PAMALAKAYA National Chairperson Fernando Hicap, apektado ng importasyon ang mga lokal na mangingisda dahil nabebenta ng mas mura ang imported na isda kumpara sa local produce ng bansa.

Iginiit ni Hicap na dapat maghanap ng iba pang alternatibong paraan ang pamahalaan upang tugunan ang kakulangan ng suplay ng isda.

Tulad aniya ng pagkakaroon ng mas maraming post-harvest facilities o imbakan ng isda na magagamit sa panahon ng closed fishing season. —Katrina Almojano, DZME Intern

About The Author