Suportado ng Dep’t of Agriculture ang planong pag-amyenda ng kamara sa Rice Tariffication Law, na magbibigay-daan sa National Food Authority na muli itong makapagbenta ng murang bigas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DA Spokesman Assistant Sec. Arnel de Mesa na mahalagang magkaroon ng intervention lalo na kung masyadong mahal ang bigas.
Sinabi pa ni de Mesa na sa huling pagpupulong ng NFA council, napag-usapan ang pagtatakda ng presyo ng bibilhing bigas, na itinakda ng mas mababa ng 20% mula sa prevailing market price na itinakda ng Philippine Statistics Authority.
Ito umano ay para sa win-win solution para sa pagbili ng bigas sa murang halaga nang hindi malulugi ang NFA.
Mababatid na inihayag ni House speaker Martin Romualdez na ipapasa nila ang panukalang pag-amyenda sa RTL, na kasalukuyang nagbabawal sa NFA na bumili at magbenta ng bigas at nilimitahan lamang ang mandato nito sa pamamahala ng buffer stocks.