Suportado ng Department of Energy (DOE) ang isinusulong na pag-amiyenda sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA).
Ito’y para bigyan ng ibayo pang kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC) para sa mga power distributor na hindi susunod sa mga itinakdang panuntunan.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, nakatutok sila ngayon sa iba’t ibang aspeto hinggil sa pag-amiyenda tulad na lamang ng mga repormang kinakailangan ng ERC.
Layunin nito ani Lotilla na mas mapaayos ng mga distribution utility ang kanilang performance lalo na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Maliban sa ERC, nais din ni Lotilla na bigyan ng kapangyarihan ang Philippine Competition Commission sa sektor ng enerhiya upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga konyumer.
Dagdag pa ni kalihim, matutulungan din nito na matugunan ng administrasyong Marcos ang problema ng pasweldo sa mga tuahan ng ERC. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News