Pinalawig na hanggang June 14, 2025, ang pag-aavail ng Estate Tax Amnesty.
Ito ay makaraang mag-lapse into law ang Republic Act No. 11956 na muling nag-amyenda sa RA No. 11213 o ang Tax Amnesty Act.
Sa ilalim ng bagong batas, maaari nang bayaran ang Estate Tax sa loob ng susunod na dalawang taon, nang walang civil penalty at interes.
Ang payment ng Amnesty Tax ay maaaring gawin manually o electronically.
Saklaw na rin ng Tax Amnesty ang estates o malalawak na ari-arian ng mga namatay bago o sa mismong petsa ng Mayo 31, 2022.
Matatandaang nagtapos noong June 14, 2023 ang amnesty sa Estate Tax sa ilalim ng RA no. 11569 na unang nag-amyenda sa Tax Amnesty Act. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News