dzme1530.ph

Pag-aaral sa posibleng pagtataas sa sweldo ng gov’t employees, tatapusin ngayong Hunyo

Target tapusin ngayong buwan ang pag-aaral sa posibleng pagtataas sa sweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, nagpapatuloy ang compensation and benefits study para sa posibleng salary adjustment, at sisikapin itong isa-pinal bago matapos ang Hunyo.

Sa ngayon ay masusi pa umanong binubusisi ang iba’t ibang aspeto tulad ng halaga ng sahod, mga benepisyo, at allowances.

Kaakibat din nito ang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang makapagtatag ng patas na pay structure na makapagpapataas din sa pagiging produktibo ng gov’t employees, habang isinasa-alang alang ang epekto ng inflation.

Sa oras na maisa-pinal, ipe-presenta ito ng itinalagang consultant sa Dep’t of Budget and Management at Governance Commission for GOCCs.

Tiniyak ng DBM na hahanapan nila ng pondo ang salary adjustment sa oras na maaprubahan.

About The Author