Pabor si Senador JV Ejercito na alisin na ang deklarasyon ng State of National Health Emergency dahil sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni Ejercito na marami ng bansa ang nag-lift ng naturang deklarasyon at balik na sa normal ngayon ang kanilang mga aktibidad.
Panahon na anyang makabawi ang Pilipinas mula sa epekto ng pandemya sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng turismo at maibalik ang normal na mga gawain sa bansa.
Sa usapin naman ng insentibo ng mga healthcare workers, nangako ang senador na sisikapin niyang malagyan ng sapat na alokasyon ang implementasyon ng Universal Health Care Law kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng akmang sahod sa mga frontliners.
Aminado ang mambabatas na malaking hamon ito subalit kailangang matiyak na protektado ang kapakanan ng mga healthcare workers kahit alisin na ang deklarasyon ng State of National Health Emergency. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News