dzme1530.ph

Padilla: pag-amyenda sa 1987 Constitution via Constitutional Convention, panahon nang talakayin

Nanindigan si Senador Robinhood Padilla na panahon na upang talakayin ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention o ConCon.

Binigyang-diin ni Padilla na marami nang isyu sa mga probisyon ng 1987 constitution kasama na ang pag-centralize ng kapangyarihan sa Imperial Manila at ang panawagan ng ilang lokal na opisyal para sa mas mahabang termino para maipatupad nila ang kanilang programa.

Isa pa aniyang isyu ang mga probisyon ng Saligang Batas laban sa political dynasties, na hanggang ngayon ay hindi pa natutupad.

Iginiit ng senador na kailangang maliwanagan ang bagay na may kinalaman sa pag-decentralize ng kapangyarihan ng Imperial Manila.

Mamayang hapon ay magsasasagawa si Padilla sa pamamagitan ng kanyang Senate Committee on Constitutional Amendments ng pagdinig sa mga resolusyon na nagsusulong ng pag-amyenda sa saligang batas.

About The Author