dzme1530.ph

Pacquiao at Bata Reyes, nagkasagupa

Naging kapana-panabik ang laban ng dalawang haligi ng palakasan na sina World Boxing Champion Manny Pacquiao at World Billiard Legend Efren Bata Reyes sa isang exhibition match na ginanap sa Makati City.

10 ball match ang laban ng dalawa kung saan, lamang si Reyes sa 5-2 racks pero nagawang humabol ni Pacquiao.

Naging 5-4 ang laban ngunit sa ika-10 rack, tinapoa na ni Efren ang laro.

Tuwang-tuwa ang dalawa sa isa’t isa kaya naman umaasa si Reyes na ang naturang exhibition game ay maging daan upang magkaroong muli ng interes ang mga Pinoy sa larong bilyar.

Labis naman ang pagkamangha ni Pacquiao sa galing ng billard legend at sa napakabihirang pagkakataong ito.

Biro naman Reyes, kung nagkataong boksing ito, tiyak tulog agad ang aabutin niya. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author