dzme1530.ph

Pabahay sa Philippine Navy, plano ng DHSUD

Balak na ring magtayo ng housing project ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Navy para sa mga aktibong military officer at personnel sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.

Sa pulong ng DHSUD sa Philippine Navy mula sa Naval Special Operations Command (NAVSOCOM), iprinisinta ni NAVSOCOM Seal Group Commander, Lieutenant Commander Lemual Rosete kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang planong pabahay na pinangalanang ‘Navy Seal Village’.

Ayon kay Rosete ang 1,000 single detached at town house housing units ay itatayo sa 10.6 ektaryang lupain katabi ng Naval Education, Training and Doctrine Command sa San Antonio, Zambales.

Dahil dito, iminungkahi ni Secretary Acuzar na mag-register ang Philippine Navy sa ilalim ng ‘Pambansang Pabahay’ para mas maging mura ang presyo nito sa mga tauhan ng NAVSOCOM. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author