Nagpaabot ang Dep’t of Agriculture ng iba’t ibang uri ng agri-fishery interventions na nagkakahalaga ng P909.68 million, para sa mga magsasaka at mangingisda sa Iloilo.
Pinangunahan ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng P2.34 million na cash assistance para sa 515 farmer-beneficiaries, sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance at Fuel Assistance to Farmers Project.
Ibinigay din ang P8.5 million na halaga ng Kadiwa financial grants sa Iloilo Science and Technology University at iba’t ibang kooperatiba, P11.246-million na halaga ng transplanters, rice precision seeders, at single-pass rice mill, at P2.067 million na halaga ng gill nets, marine engines, at tilapia fingerlings.
Tinanggap naman ng mga lokal na pamahalaan ang no objection letter para sa infrastructure development projects na nagkakahalaga ng P885.52 million.
Sinabi ni Laurel na patuloy na isusulong ng administrasyong Marcos ang modernisasyon ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makinarya at kagamitan sa mga asosasyon at kooperatiba.