dzme1530.ph

P80.6-B, inilaan sa 2024 Budget para sa development ng BARMM

Naglaan ang administrasyong Marcos ng mahigit P80-B sa proposed 2024 National Budget, para sa pagpapaunlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Department of Budget and Management, sa kabuuang P80.6-B na alokasyon ay nakapaloob ang P70.5-B na annual block grant ng BARMM.

Kasama rin ang P5-B na Special Development Fund, at ang P5.1-B na shares ng rehiyon sa national taxes, fees, at charges.

Samantala, kasama rin ang BARMM sa mga makikinabang sa P5.3-B na alokasyon sa Payapa at Masaganang Pamayanan Program, kung saan ide-develop ang imprastraktura sa conflict-affected at conflict-vulnerable areas.

Tiniyak ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na alinsunod sa Agenda for Prosperity ay walang Pilipinong maiiwan sa pagsulong ng Pilipinas, kabilang ang mga Muslim. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author