dzme1530.ph

P699.2-B sa proposed 2024 budget, gagamiting pambayad utang

Nasa P699.2-B o 12.1% ng proposed P5.768-T 2024 budget ang inilaan ng gobyerno para pambayad utang.

Ayon sa Department of Finance (DOF), kabilang dito ang 11.6% o P670.5-B na gagamitin sa interes ng mga utang.

Sinabi naman ng DOF na mula 2016 hanggang 2022, bumaba na sa 10.1% ang average percentage ng interest payments sa national budget, mula sa 23.3% sa mga taong 1986 hanggang 2015.

Iginiit pa ni Finance Sec. Benjamin Diokno na dahil lumiit na ang porsyento ng pambayad utang sa pambansang budget, mas mapopondohan na ang socioeconomic programs at projects sa priority sectors tulad ng edukasyon at imprastraktura.

Tiwala rin si Diokno na sa pamamagitan ng tax reforms ay mas lalakas pa ang revenue ng pamahalaan upang suportahan ang matatag na ekonomiya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author