Naglabas ang Dep’t of Budget and Management ng P6-B para sa pag-develop ng fish ports sa bansa.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order para sa P6.037 billion na ibinaba sa Philippine Fisheries Development Authority.
Sa ilalim nito, P1.1 billion ang gagamitin sa konstruksyon, rehabilitasyon, at pagpapaganda sa fish ports at iba pang fishery post-harvest facilities.
Iginiit ni Pangandaman na ang maayos na pangangalaga sa mga fish port ay magdadala ng malaking pakinabang sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa kaunlaran ng komunidad.
Batay sa datos ng World Bank, ang fisheries sector ay nag-aambag ng 1.3% sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas, at dito rin nagmula ang 1.6 million na trabaho o 4% ng kabuuang labor force.