Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang P5.768-T 2024 National Expenditure Program.
Ito ay isang linggo lamang makaraang isumite ng DBM kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed 2024 Budget, pagkatapos ng kanyang ikalawang State of the Nation Address.
Ang 2024 Budget ay 9.5% na mas malaki sa P5. 268-T 2023 Budget, at katumbas ito ng 21.7% ng gross domestic product ng bansa.
P4.020-T dito ay nakalaan sa programmed general appropriations kabilang ang national government operating requirements at pondo ng mga ahensya.
Tiniyak naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na patuloy na isusulong sa ilalim ng 2024 budget ang social and economic transformation sa pamamagitan ng imprastraktura, food security, digital transformation, at human capital development.
Matatandaang alinsunod sa Saligang Batas, kailangang maisumite ang national budget sa Kongreso sa loob ng 30 araw matapos ang SONA ng Pangulo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News