dzme1530.ph

P5.76-T 2024 National Expenditure Program, aprubado na ng Pangulo!

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed P5.76-T National Expenditure Program sa 2024.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang proposed 2024 budget ay katumbas ng 21.8% ng gross domestic product, at 9.5% na mas mataas sa P5.268-T budget sa kasalukuyang taon.

Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na mananatiling priority sa 2024 budget ang expenditures na magtutulak sa paglago ng ekonomiya alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028, at 8-point socioeconomic agenda.

Patuloy din nitong isusulong ang economic at social transformation upang maibsan ang epekto ng pandemya at inflation, sa pamamagitan ng investments sa infrastructure projects, human capital, agrikultura, at food security.

Ini-ayon din ito sa mithiing makamit ang upper-middle-income status at maibaba sa single-digit ang poverty rate sa 2028. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author