dzme1530.ph

P48.6-M halaga ng illegal na droga, nasabat sa isang pasahero sa NAIA T1 mula Mexico

Inaresto ng mga tauhan ng NAIA-PDEA at Bureau of Customs (BOC) ang isang babaeng pasahero na nahulihan ng illegal drugs mula Mexico.

Sa inisyal na impormasyon, dumating ang pasaherong si Mary Jane Marais isang Canadian national sakay ng flight JAL-741 para kanyang connecting flight mula Narita na lumapag sa NAIA Terminal 1.

Nagduda ang Customs examiners dahil may nakasulat na “x” sa bagahe ng pasahero at pabalik-balik ng comfort room ang dayuhan.

Natuklasan ang iligal na droga na isang-isang binalot para magmukhang chocolate candy na may bigat na 7,150 grams at may street value na aabot sa P48,620,000-M sa loob ng kanyang check-in luggage ng dumaan ito sa initial inspection ng BOC sa NAIA. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author