dzme1530.ph

P33 na umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Visayas, aprubado na!

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang P33 na umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Visayas.

Dahil dito, papalo na sa P420 hanggang P468 ang daily minimum wage para sa non-agriculture sector.

Habang P415 hanggang P458 naman para sa agriculture sector na mayroong mas bababa sa 10 empleyado.

Epektibo ang naturang taas-sahod simula October 01, 2023.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission at pinagtibay noong September 12. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author