Naglaan ang gobyerno ng mahigit P30-B sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, para sa pagpapalakas ng produksyon ng bigas sa bansa.
Ayon sa Department of Budget and Management, patuloy na susuportahan ng 2024 Budget ang mga programang magpapalakas ng local production ng mga pangunahing produktong pang-agrikultura, upang mabigyan ng food security at tamang nutrisyon ang bawat pamilyang Pilipino.
Kabilang dito ang P30.87-B para sa pagpapalakas ng produksyon ng bigas, at gayundin ang P5.28-B sa produksyon ng mais, at P1.94-B sa high-value crops.
Samantala, tiniyak din ng DBM na daragdagan ang investments sa agricultural support services tulad ng irigasyon, pagtatayo at rehabilitasyon ng fish ports, at farm-to-market roads.
Matatandaang ngayong araw ay isinumite ng DBM sa kongreso ang P5.768-T 2024 National Expenditure Program. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News