dzme1530.ph

P3.055-T, target collection ng BIR ngayong taon

Bagamat hindi na palalawigin ang deadline para sa paghahain ng Annual Income Tax Return (AITR) at pagbabayad ng buwis ngayong araw April 15, 2024.

Umaasa naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., na tutulungan ng mga taxpayer ang Kawanihan na maabot ang target collection nito na P3.055-T ngayong taon sa pamamagitan ng pag-comply, mag-rehistro at pagbabayad ng tama.

Sa isang press conference sa Region 8B South NCR sa Makati City, sinabi ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr.  ilang hakbang na ang kanilang ipinatupad para mas mapadali at mapabilis ang serbisyo sa mga taxpayer.

Kabilang rito ang “File and Pay Anywhere” set-up, BIR Tax Assistance Centers at ang pinalawig ring oras para sa pagtanggap sa tax payment sa mga bangko.

Ang sinumang hindi makakapagbayad ng buwis bago ang deadline ay mapapatawan ng interes at penalty sa kanyang bayarin.

About The Author