dzme1530.ph

P25.6 BILLION, MATITIPID SA PAGBABAWAS NG 20% SA GASTUSIN NG PAMAHALAAN

Loading

Tinaya ng Department of Budget and Management sa 25.6 billion pesos ang matitipid sa pagbabawas ng 20 percent sa gastusin ng gobyerno.
 
Ayon kay Budget Acting Secretary Rolando Toledo, kabilang sa pagtitipid ay ang paglilimita sa mga biyahe at non-essential activities, bukod pa sa pagtitipid sa kuryente at mga produktong petrolyo.
 
Hindi naman kasama sa pagtitipid ang essential at frontline services tulad ng kalusugan, edukasyon at social protection.
 
Sinabi ni Toledo na pinatitiyak ni Ferdinand Marcos Jr. na hindi maaapektuhan ang mga kritikal na serbisyo para sa mamamayan.
 
Naglaan naman ang administrasyon ng 238 billion pesos para maibsan ang epekto ng krisis sa ilang sektor ng lipunan.

About The Author