Aminado ang Department of Agriculture (DA) na malabo pang makamit sa ngayon ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na P20 na bigas.
Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, ito ay sa gitna ng mga kasalukuyang problema tulad ng El Niño o matinding tagtuyot, at mga magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.
Tinukoy din ni Sombilla ang mataas na presyo ng fertilizers at fuel.
Gayunman, naniniwala pa rin ang DA na kapag gumanda na ang produksyon ay makakamit din ang bente pesos na bigas sa takdang panahon.
Sa ngayon ay nasa P25 ang pinakamurang bigas sa bansa na ibinebenta sa Kadiwa stores. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News