dzme1530.ph

P20 bigas, hindi pa rin sinusukuan ni PBBM

Hindi pa rin sinusukuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakamit ng P20 na bigas.

Ayon sa Pangulo, hindi nawawala ang tyansang maibaba ang presyo ng bigas.

Ito umano ay kung magiging maayos ang produksyon, kung hindi na madalas na tatamaan ng bagyo ang bansa, at kapag nagamit na ng mga magsasaka ang mga tulong na ipinaabot ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos na kapag naging kontrolado na ang cost of production at naging masigla ang ani, bababa na ang presyo ng bigas.

Kaugnay dito, iginiit ng Pangulo na tumatayo ring agriculture sec. na kapag naging normal na ang sitwasyon ay lalaki ang pag-asang maibaba ang presyo ng bigas.

Matatandaang nagtakda ang pangulo ng mandated price ceiling sa bigas kabilang ang P41 per kilo sa regular-milled rice, at P45 sa well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author