Ibinasura ang orihinal na mungkahing itakda sa P20 at P25 ang buying price sa kada kilo ng palay, sa harap ng pagiging mataas nito.
Ayon sa National Food Authority (NFA), kapag sinunod ang nasabing presyo ay hahantong ito sa pagtaas ng retail price ng bigas.
Sinabi pa ng NFA na sa ilalim ng bagong buying price ng palay na P16 hanggang P23 pesos, maiba-balanse ang kita ng mga magsasaka at hindi gaanong maaapektuhan ang retail prices.
Suportado naman ng Department of Agriculture (DA) ang bagong buying price ng palay, at sang-ayon din ito na masyadong mataas ang P25.
Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority na tututukan ng NFA ang pagbili ng palay sa mga lugar na may labis na suplay. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News