dzme1530.ph

P2.5-M halaga ng bigas, ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa Camarines Sur 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng P2.5-M na halaga ng bigas sa mahihirap na pamilya sa Camarines Sur.  

Sa seremonya sa University of Saint Anthony sa Iriga City, ipinamigay ang bigas sa 2,000 benepisyaryo na nagmula sa indigent families at indigenous people ng Cam-Sur.  

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sina Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, Labor Sec. Benny Laguesma, Trade Sec. Alfredo Pascual, Interior Sec. Benhur Abalos, Transportation Sec. Jaime Bautista, at CHEd Chairman Popoy de Vera.  

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo na patuloy na kumikilos ang gobyerno upang siguruhing walang Pilipinong gugutumin sa harap ng nagtaasang presyo ng mga bilihin. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author