dzme1530.ph

P19-M halaga ng mga ginayang produkto, nasamsam ng NBI

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang anim na establisyimento na imbakan at dinidispleyan ng mga ginayang brand ng pabango, tuwalya, underwear at garments.

Isinagawa ng NBI ang raid sa bisa ng search warrants na inisyu ng mababang korte.

Kabilang sa sinalakay ay ang dalawang bodega sa Caloocan City at Valenzuela City; dalawang tindahan sa Baclaran Terminal Plaza 1; dalawang tindahan sa Carriedo Plaza; at isang stall sa Two Shopping Center.

Sa nasabing paghahalughog, nakumpiska ang mga branded na pabango, garments at mga underwear gaya ng Gucci, Victoria’s Secret at Bath & Body Works na nagkakahalaga ng P19,201,700. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author