Umabot na sa P18.8-M na halaga ng mga barya ang naibalik sa sirkulasyon sa pamamagitan ng 10 units ng coin deposit machine na inilagay ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa ilang piling shopping malls simula noong June 20.
Ayon sa BSP, as of July 31, kabuuang 10,900 transactions o average na P1,700 na coins ang naibalik sa sirkulasyon sa tuwing gagamitin ang isang coin deposit machine.
Sa pamamagitan ng mga naturang makina, ide-deposito ng coin holders ang kanilang mga naipong barya at ang katumbas na halaga nito ay make-credit sa kanilang e-wallets o maaring ipalit para sa shopping vouchers. –sa panulat ni Lea Soriano