Nilaagdaan sa Malacañang ngayong Lunes ng umaga ang 170.6-billion-peso concession agreement para sa Public-Private Partnership project sa modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang signing ceremony kasama sina Transportation Sec. Jaime Bautista, Manila International Airport Authority General Manager Eric Ines, at San Miguel Corp. Pres. and Chief Exec. Officer Ramon Ang.
Sa ilalim ng PPP project, isasaayos ang runway, terminals, at iba pang pasilidad ng NAIA para sa mas maayos na kalidad ng serbisyo sa mga pasahero.
Sa oras na makumpleto, inaasahang tataas sa P62-M ang passenger capacity kada taon ng tinaguriang main gateway ng bansa.
Nakikita ring lilikha ito ng P900-B na kita sa gobyerno sa buong 25-taong concession period.