Pinaabutan na rin ng P15,000 na cash assistance ang retailers sa Occidental Mindoro, sa harap pa rin ng pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas.
Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development, isinagawa ang cash payout sa Office of the Senior Citizens Affairs sa munisipyo ng San Jose.
Kabilang sa mga tumanggap ng Sustainable Livelihood Program (SLP) cash assistance ang micro rice retailers mula sa mga bayan ng San Jose, Sablayan, Calintaan, Mamburao, at Sta. Cruz.
Matatandaang noong mga nakaraang araw ay isinagawa na rin ang cash payout sa Western Visayas at Sultan Kudarat, kasunod ng naunang distribusyon sa Metro Manila.
Inaprubahan na rin ng Commission on Elections ang hiling ng DSWD na i-exempt ang distribusyon ng SLP assistance mula sa spending ban sa harap ng paparating na Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News