dzme1530.ph

P150 across the board wage increase, ibababa sa P100 matapos ang P40 na dagdag sahod sa NCR

Plano ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na paamyendahan ang panukalang P150 across the board wage hike na inaprubahan sa Senate Committee on Labor.

Sinabi ni Zubiri na gagawin na lamang nila P100 na dagdag na sahod ang kanilang hihilingin kasunod na rin ng approval ng wage board na P40 na dagdag sahod sa minimum wage earners sa Metro Manila.

Kasabay nito, kinumpirma ng senador na plano niyang kausapin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ipaliwanag ang pangangailangan ng legislated wage hike sa buong bansa.

Sa gitna na rin ito ng muling babala ni Zubiri na mauubusan ng eksperto ang Pilipinas kung hindi reresolbahin ang problema sa sahod sa bansa.

Sinabi ng senador na hindi sapat ang dagdag na P40 sa arawang sahod dahil ni hindi ito makakabili ng isang kilong bigas kaya’t hindi rin ito mararamdaman ng mga manggagawa.

Ipinaliwanag ng mambabatas na dahil sa mababang sahod sa Pilipinas, nagiging byline na ng mga Pilipino ang mga katagang pag nakagraduate, mag-aabroad na lang kaya nakakapangamba na posibleng maubusan ng mga Filipino experts ang bansa. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author