dzme1530.ph

P14.1M halaga ng tulong, naipamahagi sa 3,000 residente sa Leyte

Sanib-pwersa pa rin ang Office of the Speaker, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa ika-apat na araw ng caravan sa lalawigan ng Leyte.

Karagdagan pang 3,000 residente ng Tacloban City at bayan ng Sta. Fe, Leyte ang tumanggap ng 5,000 pesos cash aid at bigas na umaabot sa P1,000 ang halaga.

Sa kabuuhan, ₱14.1-M ang katumbas na halaga ng pera at serbisyo ang naipamahagi.

Anim na milyon nito ay sa Barangay 96 Calanipawan, Tacloban City sa ilalim ng Cash and Rice Distribution Program (CARD Program), habang ang 8.1-M ay payout sa 2,000 residente ng Sta Fe na nagtrabaho ng 10-araw sa TUPAD program at binayaran ng P4,050 bawat isa.

Salig sa Bagong Pilipinas Program, nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilapit sa taumbayan ang mga tulong at serbisyo ng gobyerno.

Tiniyak din ni House Speaker Martin Romualdez na magpapatuloy pa hanggang sa Hulyo 19 ang Caravan sa Leyte.

About The Author