Naglaan ang gobyerno ng P112.8-B sa 2024 National Expenditure Program, para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social and Welfare Development.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), gagamitin ito para sa 4.4-M households na benepisyaryo ng 4Ps.
Ang P112.8-B ay mas mataas sa P102.61-B na alokasyon sa 4Ps ngayong taon.
Samantala, dinoble rin sa P49.81-B ang inilaan sa social pension ng indigent senior citizens, sa harap ng pagtaas sa P1,000 mula sa P500 sa kanilang buwanang pensyon.
P9-B naman ang alokasyon sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News