Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.6-B na pondo para sa 2021 Fiscal Year Performance-Based Bonus ng nasa 920,000 school-based personnel ng Department of Education (DepEd).
Aprubado na ang special allotment release orders at notice of cash allocations para sa performance-based bonus sa school-based personnel sa 16 na DepEd regional offices.
Ang mga updated na dokumento kaugnay ng bonus ay dumaan na sa evaluation at validation ng budget department.
Tiniyak naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na kinikilala nila ang dedikasyon sa pagtatrabaho ng mga guro.
Samantala, ibinalik naman sa revalidation process ng DepEd ang performance-based bonus ng non-teaching personnel sa school division offices sa walong rehiyon kabilang sa NCR. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News