![]()
Kinumpirma ni DA Assistant Secretary U-Nichols Manalo, na may P10-B silang ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda sa buwan ng Mayo.
Target ng ayuda ang 4.17 million farmers at fisherfolk habang ang pondo ay magmumula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk program na nakapaloob sa 2026 GAA.
Bawat isa ay makatatanggap ng P2,325, pero ang rice farmers ay idadaan sa digital transfer, habang ang iba ay sa distribution caravans.
At para ma-offset ang rising fuel costs, sinabi ni Asec. Manalo na magkakaloob din ang DA ng P5,000 sa farmers at P3,000 sa mangingisda.
Sa major agricultural commodities, ang fuel requirement ay 505 million liters annually, at ito ay umaabot sa halagang P41-B.
