dzme1530.ph

P100,000 na pabuya, para sa ikadarakip ni ex-Palawan Governor Joel Reyes

P100,000 na pabuya ang alok ng pamahalaan para sa ikadarakip ni dating Palawan Governor Joel Reyes, na tinukoy na mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si Gerry Ortega.

Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez, executive director ng Presidential Task Force on Media Security, ang reward money ay mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

2011 nang pagbabarilin si Ortega sa Puerto Princesa City pagkatapos ng kanyang pang-umagang programa sa radyo.

Tumakas si reyes sa bansa noong 2012 kasama ang kanyang kapatid na si Coron Mayor Mario Reyes subalit naaresto sila sa Thailand noong 2015 at nakapag-piyansa noong 2018.

Ngayong taon ay ipinag-utos ng Supreme Court na muling arestuhin ang dating gobernador na nahaharap din sa hiwalay na mga kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng Malampaya at fertilizer fund scams.

About The Author