dzme1530.ph

P1,000 polymer bill, wagi ng ‘Banknote of the Year Award’

Pinarangalan ang 1,000-peso polymer bill ng Pilipinas bilang “Banknote of the Year” ng global non-profit organization na International Banknote Society (IBS) noong 2022, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi ng BSP na ang polymer banknote ang kauna-unahang Philippine banknote na nanalo ng award, matapos talunin ang finalists mula sa Algeria, Barbados, Egypt, Northern Ireland, at Scotland.

December 2021 nang unang ipinakita sa publiko ang disenyo ng bagong P1,000 na ginawa ng BSP at inaprubahan ng National Historical Institute.

Una nang inihayag ng BSP na susubukan muna ang polymer banknotes sa pamamagitan ng ilang daang milyong piraso, na may kaparehong materyal na ginamit sa pera ng ibang bansa, gaya sa Australia, Canada, Mexico, New Zealand, at United Kingdom. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author