Ipinatupad na ang diyes pesos na dagdag sa arawang sahod ng Minimum Wage Earners sa Central Luzon.
Simula Enero a uno, 2023, epektibo na ang ikalawa at huling bahagi ng wage increase na inaprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board III noong may 2022.
Dahil dito, mula sa 443 hanggang 450 pesos ay itinaas na sa 453 hanggang 460 pesos ang arawang sahod para sa non-agriculture establishments sa rehiyon.
Itinaas na rin sa 443 hanggang 450 pesos ang arawang sahod para sa agricultural workers, at 435 hanggang 449 pesos para sa mga nagtatrabaho sa retail at service establishments.
Mababatid na sa unang bahagi ng wage hike noong june 2022 ay dinagdagan ng trenta pesos ang Minimum Daily Wage sa Central Luzon.