dzme1530.ph

P10 PER LITER NA FUEL SUBSIDY PARA SA PUVs, INAPRUBAHAN NI PANGULONG MARCOS

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang pagkakaloob ng sampung piso bawat litrong fuel subsidy para sa mga public utility vehicles.
 
Ito ay upang tulungan sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na lilimitahan naman ang fuel subsidy sa PUV sa 150 liters kada linggo.
 
Tatagal ang subsidiya sa loob ng tatlong buwan at una itong ipatutupad sa Metro Manila.
 
Sa plano, uunahin ang Commonwealth sa Quezon City saka palalawakin sa Quezon Avenue, España, Zapote, A. Bonifacio, Rizal at Marcos Highway hanggang sa masakop na ang buong bansa.
 
Layun din ng hakbang na maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto.
 
Pangungunahan ng Department of Energy ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga lehitimong gasoline station na minomonitor ng ahensya.

About The Author