dzme1530.ph

P10 BILYONG AYUDA PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, IPINAG-UTOS NI PANGULONG MARCOS SA GITNA NG OIL PRICE HIKE

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalaan ng sampung bilyong piso para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na layunin ng bagong direktiba mula sa Presidente na palawakin ang fuel subsidy program at isama ang “food producers” sa mga benepisyaryo.

 

Idinagdag ni Recto na ang pinakabagong inisyatibo ay makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda na makaagapay sa epekto ng tensyon sa Middle East na dahilan ng global oil price hikes.

 

Inihayag ng punong kalihim na batid ng pamahalaan na labis na umaasa ang farmers at fishers sa petrolyo, at inatasan na si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na umasiste sa lalong madaling panahon.

 

Una nang humirit ang Department of Agriculture ng 10 billion pesos na cash assistance para protektahan ang mga magsasaka at mga mangingisda mula sa lumulobong presyo ng petrolyo.

About The Author