dzme1530.ph

P10-B assistance fund para sa mga mahihirap na cancer patients, inihain sa Kamara

Isinusulong nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap sa kamara ang pagbuo ng P10-B assistance fund para sa pagpapagamot at pangangalaga sa mga mahihirap na cancer patients.

Layunin ng House Bill 7687 na palakasin ang assistance fund sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act na hindi anila sapat kaya nananatiling pasanin pa rin sa mga mahihirap na cancer patients ang malaking gastos sa pagpapagamot.

Nakapaloob sa panukala na pangangasiwaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamamagitan ng mga accredited nitong government hospital ang ilalaan na P10-B cancer medicine and treatment fund.

Ang mga benepisaryo ng pondo ay masusing sasalain ng PhilHealth, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG). —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author