![]()
Naglaan ang gobyerno ng inisyal na isang bilyong pisong pondo para sa dalawang linggong service contracting program para sa public utility vehicle drivers at operators simula sa April 15.
Kasabay nito, humihingi ang Department of Transportation ng dagdag na limang bilyong piso para palawigin ang programa hanggang July.
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, ang inisyal na pondo ay kukunin sa 2026 budget ng ahensya para sa service contracting.
Mayorya anya ng pondo o ang 800 million pesos ay ilalaan sa road transport habang ang 200 million pesos ay para sa maritime transport.
Saklaw ng pondo ang dalawang linggo na service contracting para sa 1,000 transport operators sa buong bansa.
Kasama rito ang 50,000 units ng modern at traditional jeepneys, UV express, city buses, at EDSA Carousel buses na makikinabang ang may 15 milyong pasahero.
