dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang 60-day review sa Minimum Wage sa bawat rehiyon

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang pag-rereview o muling pag-aaral sa minimum wage rate sa bawat rehiyon sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Labor Day with the President ceremony sa malakanyang ngayong Labor Day, binigyan ng pangulo ang regional tripartite wages and productivity board ng animnapung araw na isagawa ang review, bago ang anibersaryo ng kanilang pinaka-huling wage order.

Ipinasasaalang-alang ni Marcos ang epekto ng inflation sa sweldo ng mga manggagawa.

Bukod dito, ipinare-repaso rin sa national wages and productivity commission ang kanilang mga panuntunan upang matiyak ang regular na schedule ng wage review, kaakibat na rin ng fairness o pagiging patas sa lahat ng stakeholders.

Nanawagan din si Marcos sa kongreso na magpasa ng mga batas na lilikha ng mga trabaho, kabilang ang enterprise-based education and training program law, revised apprenticeship program act, at mga batas na susuporta sa corporate recovery and tax incentive for enterprises o create law tungo sa patuloy na pagpapasigla ng ekonomiya.

About The Author