![]()
Nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration sa pamilya ng Pinoy seafarer na nawawala sa Strait of Hormuz.
Ito ay makaraang tamaan ng dalawang missile ang sinasakyan nilang tugboat nang harangan ng Iran ang strategic waterway bilang ganti sa pag-atake ng pwersa ng US at Israel.
Tiniyak ng OWWA na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa pamilya ng 46-anyos na tripulante mula sa Capalonga, Camarines Norte.
Nabatid na huling nakausap ng kanyang pamilya ang motorman at oiler sa pamamagitan ng video message at ipinaalam sa kanila na naglalayag sila sa mapanganib na lugar upang hatakin ang container ship na Safeen Prestige na na-stranded sa Strait of Hormuz.
Una na rin umanong inabisuhan ng AD Ports Group, ang logistics company, ang pamilya ng seafarer kaugnay sa insidente ng missile attack sa UAE-flagged tug Mustafah 2 noong March 6.
