dzme1530.ph

OWWA executive, sinibak bunsod ng maanomalyang pagbili ng lupa, ayon sa Palasyo

Loading

Kinumpirma ng Malakanyang na tinanggal din sa pwesto si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Emma Sinclair dahil sa umano’y maanolmalyang land acquisition deal na pinasok ni dating OWWA Administrator Arnell Ignacio.

Sinabi ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, na sinibak sa pwesto si Sinclair bunsod ng loss of trust and confidence kaugnay ng 1.4-billion peso land acquisition deal.

Nilinaw din ni Castro na parehong tinanggal sina Ignacio at Sinclair, at hindi sila pinag-resign.

Idinagdag ng Palace official na magsilbi sana itong babala sa lahat ng public servants na aalisin sila sa pwesto kung hindi nila gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin sa publiko.

 

About The Author