dzme1530.ph

OVP hindi dumalo sa budget hearing sa Kamara

Loading

Hindi sinipot ng Tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang budget hearing ngayong hapon na dapat ay nagsimula kaninang alas-1:30.

Ayon kay Palawan Rep. Jose Pepito Alvarez, na siyang sponsor ng OVP budget, nagkaroon ng “technical issue” sa ipapadalang kinatawan ng OVP para magdepensa sa hinihinging ₱903-M para sa 2026.

Sa sulat ng OVP, itinalaga bilang representative si Limwel Ortonio, deputy chief of staff ng OVP.

Gayunman, ayon kay Alvarez, hindi ito kwalipikado dahil ang kanyang titulo bilang deputy chief of staff ay katumbas lamang ng assistant secretary.

Nilinaw ni Alvarez na ang imbitasyon ay naka-address kay VP Duterte, at kung hindi ito makadadalo, isang senior official ang dapat kumatawan.

Kinumpirma rin ni Alvarez na nagkausap na sila ni VP Duterte at ipinaliwanag nito ang naging teknikal na problema. Nangako umano ang pangalawang pangulo na personal siyang dadalo sa budget hearing sa Martes, Setyembre 16, sa Kamara.

About The Author