dzme1530.ph

OVP chief of staff, magpapasaklolo sa Korte para makalaya sa detention sa ilalim ng Kamara

Magpapasaklolo sa Korte si Office of the Vice President (OVP) chief of staff, Usec. Zuleika Lopez, upang makalaya mula sa detention sa ilalim ng House of Representatives.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, kumuha na ng mga abogado si Lopez, na nananatiling naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) simula noong Sabado.

Sinabi ni VP Sara na pinalawig pa ng Kamara ang detention ni Lopez kaya gumagawa na ito ng mga legal na hakbang.

Aniya, mainam na hintayin na lamang ang susunod na hakbang ng mga abogado.

Kaugnay naman ng kondisyon ng OVP executive, inihayag ng bise presidente na ayaw pa ring kumain ni Lopez. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author