dzme1530.ph

OVP at DepEd, nagsumite ng mga dokumentong mali ang mga petsa at signatories na walang pangalan, ayon sa COA

Nagsumite ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ni Vice President Sara Duterte ng mga dokumento na mali ang mga petsa, signatories na walang pangalan, at hindi mabasang pangalan ng signatories.

Ito, ayon sa Commission on Audit (COA), ay para ma-justify ang disbursement ng confidential funds ng OVP at DepEd para sa mga taong 2022 at 2023.

Sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa paggamit ng budget ng OVP, sinabi rin ni COA Auditor Gloria Camora na hindi tugma ang venue ng Youth Leadership Summits (YLS) noong 2023 sa mga lokasyon kung saan nagbayad ang DepEd sa pamamagitan ng confidential fund.

Nabulgar sa hearing ng Komite noong Oct. 17 na ginamit ng DepEd sa ilalim ni VP Sara ang certifications mula sa military officials nang hindi batid ng mga sundalo, para mabigyang katwiran ang disbursement ng ₱15 million na confidential funds na ibinayad umano sa mga impormante noong 2023. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author