Gagamitin ng Kongreso sa pagbabalik sesyon nito ngayon ang “Oversight Functions” para tutukan ang usapin sa presyo ng Bigas at iba pang produkto, Cybersecurity at West Philippine Sea.
Ito ang dereksyon ni House Speaker Martin Romualdez, dahil bago pa man aniya ang lenten break, natapos na ng Kamara ang 20 priority measures na inilatag ni PBBM sa kanyang SONA at Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Sa presyo ng bilihin, iimbestigahan ng Committee on Agriculture ang nalantad na disparity sa farmgate at retail prices sa mga produkto na lumalatay sa consumers at magsasaka.
Sa Cybersecurity aspect nabahala si Romualdez sa kumalat kamakailan na “Deepfake video” ni Pangul Marcos, at ang madalas na pag-hacked sa website ng ilang government agencies.
Para sa presidential cousin may pangangailangan para tutukan ang agrisibong hakbang ng China sa West Philippine Sea, at naniniwala ito na may malaking obligasyon ang Kongreso para mapanatili ang kaayusan sa lugar na ito at kapanatagan ng mga mangingisda na hina-harass ng China Coast Guard.